March 18th, 2009
(Para ito sa mga sir at ma'am na nag-puyat, nag-hirap, humit-hit ng kape gabi-gabi at nag-alay ng buhay na manok sa mga anito para lang matapos ang Lesson Plan, Class Record, TOS, Periodical Exams at iba pang sangkap para hinde igisa sa Principal’s office bilang kinabukasan na ang deadline ng requirements ng pagiging guro… Saludo ako sa inyo!)
Lesson # 1: “Mga kapalpakan sa job-hunt matapos lumaya sa Unibersidad”
Hinde pa man kami sumasampa sa stage, para mang-harbat ng Diploma sa pinaka-aasam na Graduation, eh nag-e-edit na ‘ko ng Resume para isaboy na tila Confetti sa mga prospect kong kumpanya. Tila kasi may “unwritten rule” (O.k. fine! Written Rule na sya ngayon!) sa bahay na pagka-graduate mo eh “you’re on your own” ka na. Wala nang baon, ganansya, etc. Unti-unting dumidilim ang kinabukasan ko habang papalapit ang Graduation, bilang di lingid sa'kin na walang pera sa Bayolohiya (kung alam ko lang edi sana “welding” na lang ang kinuha kong kurso, baka mas kumikitang kabuhayan pa ang pagta-talyer at pagku-kumpuni ng mga sirang gulong kesa sa tinapos kong kurso =)). Pero huli na para mag-sisi. Ngayon pa’t naisurvive ko nang mga lakas maka-amats na Subjects namin.
Nung una, gusto ko sanang suyurin ang Maynila (Wow! Lakas maka-promdi! =)) para mag-hanap ng makaka-buhay na trabaho. Pero dahil vovo ‘ko sa direksyon, eh sinuyod ko munang mga industriyang pedeng pag-tyagaan dito sa Malolos. Ang daming Graduates kumpara sa available na trabaho kaya sagad sa buto ang kumpetisyon. Hinde pedeng a-anga-anga sa pag-aapply. Sinabi nang hinde pedeng a-anga-anga sa pag-a-apply Eh! OK fine! A-anga-anga 'ko nu'n sa pag-a-apply bilang napag-palit-palit ko yung address nung mga iniwan kong resume sa guard ng mga prospect kong private Schools. Gulong-gulo na siguro yung HR ng “Holy Spirit School” kung bakit sa “ICSB (Immaculate Concepcion School for Boys)” naka-address yung cover letter kong pinasa sa kanila. Ramdam kong ka-engotan ko sa buhay. Hinde. Hinde ako engot. Sinabotahe lang ako ng tadahana. Alam kasi nyang may lugar na mas akma para sa'kin. =)
Ang Chalk o Tisa (sa Tagalog) ay ginagamit na panulat sa pisara.
Nabuo mula sa bahagi ng apog..…
pero hinde ito tungkol sa
talambuhay ng
pobreng
Chalk.
Prelimenary Interview, Teaching Demo, Final Interview and assessment — ito yung mga karaniwang ipinagro-rosaryong maipasa ng mga gustong maging Guro. Hinde biro ang mag-apply. Bukod sa April nu'n (fresh from Graduation) at ramdam mong hampas ng tirik na araw habang namumud-mod ng resume sa mga private schools, eh alam mo rin na hinde nadadaan sa matamis na ngiti at kindat ang pakikipag-niig sa mag-iinterview sa'yong Principal oh sinumang HR ng School na ninanais mong pag-trabahuhan.
Ito na ata ang batas ng buhay pagka-tapos ng graduation; Ang magka-trabaho. Buti na lang matagumpay yung pagsasakripisyo namin nung biyernes sa pag-a-apply dun sa private school na isang ubo lang mula sa amin. Mukhang sa Lunes ko na malalaman kung le-Level Two na ba 'ko sa pag-tambay sa bahay.
May 28, 2006 ———-Halos isang buwan na nung magsuot kami ng toga. Wala parin akong pangarap sa buhay. Bukas demo ko na. ‘Di ko nga alam kung nangangain ba ng eengot-engot na fresh-grad yung mga gagawan ko ng teaching demo tungkol sa “Teorya ng Ebolusyon” bukas. Sana hinde ako ipag-kanulo ng memorya ko at umani ng kapalpakan sa harap ng madla na tipong handang mag-itsa ng itlog at kamatis sa oras na mabugnot sa ide-demo ko.
Mukha namang mabait yung ingleserang Principal na nakausap ko kanina. Bahala na! Astig naman sa kulay ang Visuals ko eh! Dadaanin ko na lang ang lahat sa malupet na charisma at pamatay na pagkaka-oil pastel ko kina Eba’t Adan na matingkad na dahon lang ng kawayan ang tapis. =)) Okey na ‘to kesa naman tubuan ng malulusog na amag yung utak ko kakatitig sa kisame habang lume-level one sa pagiging tambay sa bahay.
May 31,2006———- (Ang makabag-bag dam-daming araw ng Teaching Demo). Mababait naman pala sila. Kasama ko pa yung kakalase ko nung High School…si Jossette. Instant reunion after 8 years. Akalain mong sa isang Teachers’ Seminar kami ulet magkakadaupang palad eh kami nga yung mga promotor ng kaguluhan sa klase nung first year. Pati yung mga dating teachers nila mukhang mababait rin. Mas smooth pa sa balat ko yung meet and greet namin. Ang sarap pa makikain sa bahay ng may bahay kahit wala akong dalang baon nung first day (dahil mas inuna kong i-memorize sa tapat ng salamin yung mga linya ko sa Demo kesa mag-tabi ng baon sa bag).
Mukhang ayos na rin tong 1st work experience ko kahit sampung Subjects ata ang ibinigay sakin ni ma’am kahapon. Bakas siguro sa pagmu-mukha ko ang pagiging “Workaholic”? Kailangan daw sa lunes mag-pasa na ng LESSON PLAN. Teka! May nakalimutan akong itanong sa kanila….pa’nu pala gumawa ng Lesson Plan??????!!!!
Kwento ito ng mga taong gumamit ng Chalk. Mga taong may kanya-kanyang
kalikaw ng bituka na pinagtagpo-tagpo
ng isang sagradong propesyon…
(insert “lead me Lord” soundtrack here)
March 30, 2007———- 'Di pala ganun kabait yung ingleserang principal na nakausap ko dati at 'di rin pala ko pinanganak para magturo. Kung nakakamatay lang ang maling akala, siguro matagal na ’kong pinagtulusan ng kandila. Pero kung uulitin ko sa simula, gusto ko’ng gan’un parin ang mangyari. Wala akong pinagsisisihan. Bukas, kailangan ko ng mamaalam…..sa mga Anghel kong estyudyante na nagpagaan ng mga gawain ko bilang guro, at sa mga tiyanak nilang kaklase na sumira ng mga pangarap ko sa buhay!!!! Sa mga katrabaho ko na may kanya-kanya ring isyung dala-dala, at sa mga kaibigan ko na natagpuan sa “pabrika” na ‘to na lugar rin ng mga nabuo at naiwang ala-ala.
Kwento ito ng lolo mo, ng lola mo, ng amo ng lolo’t lola mo, ni Premonie, ni keana,
ni Fuji, ni Pa-tree-cia, at ng mga taong nagsi-ganap sa pelikula ng buhay naten.
Kwentong binuo ng mahiwagang note: “Pls. see me”….kwentong hinde pedeng isulat sa pisara. Kwentong atin-atin na lang.
DITO NAGSIMULA ANG LAHAT:
“You may join your newly hired co-Teachers.” (a.k.a. tanggap ka na!)
Matapos ang sandamak-mak na interview at teaching demonstrations (na wala naman ako ni-ga-buning ka-alam-alam bilang di naman nga Education yung course namin) eh natagpuan ko rin yung School na magku-kupkop at magli-ligtas sa'kin sa pagiging Tambay.
Nung napadpad ako sa private school na yun, dun ko naunawaan ang Politika sa trabaho at ang tunay na kahulugan ng pakikisama. Maraming nangyari. Sobrang dami na parang isang buong dekada na ng buhay mo ang lumipas pag natapos mo ang isang buong school year. Dun ko natagpuan ang mga taong naging dahilan kung bakit March 2007 at hinde july 2006 ko naipasa ang resignation letter ko. Dahilan kung bakit nakapagtiis ako ng isang buong taon.
Teaching Demo (Teorya ng Ebolusyon):
Matapos ang gisahan portion ng one-on-one interview sa ingleserang principal, pinabalik ako ng lunes para i-sahog ulet sa mantika ng gisahan Part 2; Para mag Demo-Teaching: Ang batayan ng pagiging isang tunay na guro at basehan kung malalasap ko na'ng tamis ng unang sweldo o magiging tambay ba 'ko habambuhay.
Nag-sunog ako ng kilay ng sabado at lingo para paghandaan ang “Fight of the Century”…. Ang Demo! Nakatulong naman ang pag babasa ko tungkol sa “mga kahayupan” ng Zoology class namin at pagiging “makadiyos” ko para maintindihan kung sa’n nga ba talaga nanggaling ang tao (kung may naintindihan man nga talaga ako!). ‘Dun ko narin nalaman na may iba pa palang anak sina Adan at Eba. Sina Abel at Cain lang kasi lagi ang bida sa mga palabas tuwing mahal na araw eh.
At dumating ang lunes. Araw ng Demo! “TING!”… Para kong nakarinig ng bell sa boxing. Naghuhumiyaw ng FIGHT! ang umagang yun. Napadpad ako sa skul na naka-gel, slacks, polo, may bit-bit na makukulay na visuals, kagalang-galang… at tipong magbebenta ng Encyclopedia at mag-aahente ng Life Insurance sa sobrang pormal ng datingan! Pag pasok ko sa room, puno ang kuwarto…hinde ng mga styudyante, kundi ng mga taong magiging co-teachers ko (kundi ako magkakalat at papalpak sa pag alala sa mga linyang menemorize ko pa sa harap ng salamin).
Napalunok ako ng laway. Parang may mali? ‘Di ba dapat sa mga styudyante ako magde-Demo? Bakit Teachers ang naglipana sa kwarto?…BOBO JEFF! (sabi ng isip ko) bakasyon nga pala! Sa isang buwan pa ang pasukan! Parang may recording sa utak ko na paulit-ulet umeecho ng “SA MGA TEACHERS KA MAGDE-DEMO”, sa ibat-ibang tono at sa ibat-ibang tiyempo with matching horror background! At di ko alam kung cooperative sila. Nagsimula ng mag marathon ang Atria at Ventricles ng puso ko sa pagbomba ng dugo. Tipong may mga dagang biglang nagre-wrestling doon.
Pag punta ko sa harap nila para simulang idikit ang visuals sa black board, parang nai-imagine ko na may mga pulis, nilalagyan ng ‘police line’ ang paligid, tila nagiging shooting ng SOCO ang classroom, at nai-imagine ko na nagiging isang malagim na Crime Scene ang lugar! Parang gusto ko nang humiga sa sahig at markahan ng chalk ang posisyon ko para tipong ako yung biktima!
Timer starts now! At nagsimula na’kong mag-Demo. Plantsado ang ingles. Pinilit kong gumawa ng isang astig na first impression. Okey na sana ang lahat kundi lang nagkabali-baligtad ang pagdidikit ko kina Eba’t Adan sa black board at kundi lang din masaganang water falls ang pawis ko kahit malamig ang lugar. Parang ‘pag nagkakatapat kasi ang mga mata namin ng mga Teachers na audience ko e nagsho-“short circuit” yung tinginan namin. Mahihiya ang Meralco sa lakas ng “Sparks”! Tipong sinasabi ng mga mata nila na kumain nalang ako ng buhay na manok, tumuntong sa teacher’s table at magtic-tac, lumunok ng espada o ng pat-pat na may apoy para mas entertaining.
Para kong tinutunaw na ice-cream lalo na nung “Question and Answer” portion na. kung pede lang i-resurrect si Ernie Baron nung araw na yon o buhayin si Charles Darwin para mahingan ng tulolng tungkol sa Theory nya edi sana mas napadali ang lahat! Pero natapos ng maayos ang lahat….. natirhan pa ko ng dignidad at ng konting kahihiyan sa buhay. Matapos ang boxing sa demo e pinayagan na kong sumama sa seminar at makihalubilo sa mga bagong recruit ding teachers. ….Tanggap na 'ko! Parang may nahawing madidilim na ulap, nakalas nang pagku-kurdon ng mga pulis at natapos na ang shooting ng SOCO!
First Day of Class: “Meet the Teachers!”
Nung nagsimula na ang klase, dun na rin nagsimula ang pakiki-baka namin ng mga kasama kong mandirigmang guro. Nung nag-pakita na ang mga styudyante at nakakarinig na kami ng Lyre Band para sa Flag Ceremony, saka lang nag sink-in sa diwa ko at ng mga kasama kong bagong recruit din, na totoo nga ang lahat. Nandu'n talaga kami sa lugar. Nakasuot ng uniform at I.D. ng Teacher at kailangan nang pumasok sa kanya-kanyang kuwarto para ituro ang kanya-kanyang Subjects na na-assign samin.
Walang lumipas na araw na di ako pagod. Inaalmusal ko ang Noli Metangere, minemeryenda and Phil. History and Gov. at may Asian History and Culture pa na pang side-dish. Syet! nabusog at napurga 'ko sa mga letra ng libro at sa pagsa-sagot ng mga seat works at activities sa likod ng bawat lessons na di ko naman malaman kung bakit kehaba-haba lage ng mga tanong! Naisip ko tuloy na apaka ironic ng kinuha kong trabaho. Yung mga inaaral at sinasagutan kong libro ngayon eh yung kaparehong libro na naluluma at dino-drowingan ko lang ng “Dragon Ball Z” nung estyudyante pa 'ko. Pero ganu'n ata talaga 'pag First Job. Yun yung gusto mong gawin na akala mong “Calling” mo pero pag nandun ka na, bigla mo na lang maitatanong sa sarili mong, “Anak ng chalk! Ano ba kasi tong pinasok ko?!”
Kundi aklat o class record, mga katropa mong guro ang kautuan mo sa buhay. ‘di ko alam pero kusang nag kahati-hati sa kanya-kanyang grupo ang Faculty. At isinilang ang isang makabagong uri ng Dictionary para bigyang kahulugan ang mga bagay-bagay na du'n lang nage-exist sa skwelahan na 'yun. Para kaming pumasok sa isang maliit at sarili naming mundo na may ibang patakaran, palakad, mga gawain at ibang buhay. Nakaka-autistic ang pag-pasok sa gate ng skul na’yon….pero masaya! Isang kakaibang experience!
Definition of Terms (Para maka-relate yung mga school outsiders =)):
Bilang may sarili nga kaming mundo pag-pasok sa Secret Portal ng School, eh nagkaroon na rin kami ng mga sari-sarili naming bansag sa mga bagay-bagay na dun lang nag-e-exist sa dimesyon ng skwelahan na yun.
Tipong pag-kababa ko sa tricycle araw-araw na pumapasok ako sa gate ng School na yun, tila naririnig ko yung 'babaylan’ sa Shaider na nagsa-sabing “Time Space Warp, Ngayon din!” Tapos, slow-mo na mabubuksan yung school gate, dadaan ako sa mala-black hole na lagusan at matatagpuan ko na lang ang sarili ko na may hawak nang chalk. Naka-harap sa apat-na-pung batang sabik (kundi man sa pag-alam kung anong oras ba ang break eh) sa pag-alam ng mga bagong karunungan sa mundo. Tapos mag-iingay silang sabay-sabay. Na'san na ba kasi yung 'Laser Gun at Laser Sword’ ko? =))
Fac. U.—— Nang maramdaman namin ng mga kasamahan kong baguhan at mga balugang Teachers na nasisiil na minsan ang mga karapatan namin at ideolohiya dahil sa mga mapang aping sistema at di makatarungang alituntunin ng Management, isinilang ang isang tahimik na mga rebelde. Sa mga paminsan-minsang kumpulan sa Faculty at mga pagni-niig ng mga kuru-kuro, napag-tanto namin na pare-pareho pala kami ng ini-isip. Nakita ko sa mga kasamahan kong bagong recruit ang pagka-aligaga at pagka-praning sa dami ng tambak na trabaho na dinadanas ko rin. Nakakita kami ng kakampi sa bawat isa. Sa mga oras ng kagipitan, lalo na sa mga sabunan contest sa loob ng Principal’s office o pag nasasabugan yung isa sa'min pag di nakapag pasa ng lesson plan. Naisilang ang isang Unyon! Ang Fac. U…..Faculty Union!!! =))
Pabrika—- Nung na-expose na kami sa mga gawaing pam-paaralan, naisip namin kung ga’no ka overworked at underpaid ang pinasok naming buhay. Tuwing may school activity, kami-kami rin ang aligaga sa pagaayos ng mga cut-outs para idikit sa stage, invitations ng J.S. Prom, signage sa kanya-kanyang bulletin boards ng kwarto, ….pagrere-pack ng produkto, pagkakahon ng bote, paglalagay sa truck ng mga kargamentos…hahaha, parang tipong naging pabrika ang skwelahan!
Pero hinde namin mina-maliit ang buhay sa Paaralan. Sagrado ang pinagta-trabahuhan at ang Propesyong pinili namin. Walang pag-tatalo dun. Pero dahil na rin siguro halos karamihan samin eh Fresh Graduate ng Non-Educ courses at sa hitik na work load sa skwelahan kaya pilit naming hinanapan ng katatawanan ang mga kasawiang dinadanas namin sa pabrika este skul nung araw. Kaya tinatawanan na lang namin tuwing nagkikita-kita kami.
The Core Group— Ito ang samahan ng mga gurong pundasyon na ng paaralan. Mga tipong kasama sa pagpapasinaya at ilan sa mga nalalabing nakasaksi ng ribbon-cutting nung unang maitatag ang skul na yun na parang prof namin nung College na sabi nga ng kaibigan ko e mga “Super intelligent to the highest level of infinity!”. Mga boss ng skwelahan. Mga iba ang arrive pag napapadpad sa faculty at tipong nakakahawi ng harang sa hallway pag sila na ang nalalakad (parang si Moises ng hatiin ang Red Sea! =)). Naggi-give way ang sino mang nasa daraanan ng mga nakaka-taas. Mga nilalang na nagkukuta sa principal’s office. Mga mukha na laging nasa unahan ng Year Book. Mga oposisyon ng Fac. U.
Vetz ——— Mga batikan at beterana na sa skwelahan. Yung mga teachers na tipong kahit nakapikit o natutulog e kabisado nang ilalagay na objective sa lesson plan. Nakakapag-check ng quizzes at periodical tests kahit nasa banyo, at napapasigaw ng “Class Quiet!!!” pag ginugulat. Mga endangered species ng pabrika. Mga tunay na Dedikadong Guro. Mas nakasundo namin ang mga vets kesa sa core group. Ok naman sila basta wag mo lang gagambalain habang nagcocompute ng grades at wag mong babatiin pag lumabas sila sa “War Zone” (sa room ng advisory class nila) na konsumido, nakakahiwa ang tingin at tipong bad trip sa kinahinat-nan ng huling period nila. Sila yung mga uri ng guro na pinanganak talaga para mag-turo. Taas ang kamay namin sa kanila. kumbaga industriya ng Call Center, sila yung mga beteranong empleyado na dapat naming i-Y-Jack at pakinggan para mas matuto kami.
Lolomis—— Ang nilalang na extension ng “super intelligence to the highest level of infinity” ng Core Group. Ang mortal ng kaaway ng Fac. U. (kaaway ata ng lahat). Ang taong eksperto daw sa Trigonomety, Physics , Algebra, Psychology, Family Planning, Basket Ball, Carpentry at iba pang anik-anik sa buhay! Tipong pag kausap mo eh parang nakasuot ng placard na may nakasulat na …“ ako lang ang Magaling at ako lang ang Bida!!!” Ang mahusay na Chef na laging may nilulutong teacher pag pumupunta sa principal’s office para i-whistle blow ang mga kapal-pakan na nagawa ng mga bagong guro. Pumipitik-pitik pa ang mata habang nag-e-explain.
Hinde ko sigurado kung dahil ba sa “Age Gap” oh kontrabida lang talaga yung role na ginampanan nya sa buhay naming new hires kaya laging aloof siya samin at kami sa kanya. Tipong naaninag pa lang namin syang parating may nagbababala nang “Oh, andyan na si Lolomiz. Wag kayong maingay, baka maisumbong na naman tayo sa office!” Ganun ka-talamak ang politika sa past life namin. Buhay Guro, Simple pero may thrill. =))
The Zombie— Ang inang bayan ng maliit na mundo ng paaralan namin na sobra kung mag buga ng apoy pag wala kang lesson plan, o late kang dumating, Oh may kapalpakan ang magagaling mong styudyante sa time ng subject mo! Ang pinuno ng Core Group! Ang ingleserang Principal. Ang kauna-unahang kong boss. Ang mahilig mag-insert ng note na: “Pls. See Me!” sa lesson plans ng mga teachers para papuntahin sa office nya para sa isang nakakangilong session ng homily. Pag labas ng pobreng Teacher, siguradong labhang Tide! Pinalo-palo sa batya, Nasabon, naikula at naisampay!
Nais ko lang linawin na hinde kami ang nag-bansag sa kanya nyan. Napaka-walang galang at lapastangan nun, kung sino man sya =)). Pag-salta namin sa School, ganyan nang tawag sa kanya ng mga estyudyante at ilang gurong nakalasap ng bagsik nya. Oo, unfair siguro para sa kanya na maikumpara sa mga kalaban sa “Walking Dead” pero hinde ka naman mababansagan ng ganun kung nagpakita ka ng karespe-respetong palakad sa mga nasasakupan mo. Sa hamak na opinyon ko eh mas nadaan sa pananakot yung pamumuno nya. Mabait naman s'ya (nung una =)), pero wala lang siguro talagang nakapag-lakas loob na mag-payo sa kanya na mas mabuting umukit sa isipan eh respeto higit sa takot, di ba? (Lalim ng hugot! =))
Lunch Time (Happy Hours):
Sa pabrika, di naman ganun ka-toxic ang buhay. Kahit papa'no may time rin for recreation. Parang lunch break nalang ata araw araw ang hinihintay ko. Magkakaiba kami ng schedule at period pero pag lunch time parang sinasadya na saktong nandun lahat ng Fac. U. members. Ang buraot na si sir Buddy na tipong wala pang nakalatag na pagkain e may hawak ng tinidor at nangungulimbat na ng ulam sa kapit bahay!
Inampon ako nina Teacher Tin at sir Teddy. Sila ang mga magigiting kong kasalo 'pag Lunch. At mga matityagang kasamang umuubos sa baon kong kundi Corned Beef e walang kamatayang tortang Corned Beef. Lahat na ata ng menu ng corned beef e nailuto na ni tatay (di pa sya nagdi-dialysis nun). Mga tipong ginisang corned beef, corned beef na with and with out patatas, corned beef na may repolyo, at ang malupet, na muntik nang itaob ni sir ted yung desk nung makita’y baon ko, Corned beef na fresh from the can (minsan di na nagawang tanggalin sa lata, parang camping lang =)). sumakit ata’y mga t’yan namin nun. Nung una nang teterorize pa kami ng ulam nila Ikeda sa first year kasi sa covered court pa kami kumakain. Later on, narealized naming masarap kasalo ang mga estyudyante…kasi mas masasarap ang baon nila! Para kaming mga bullies na nang aagaw ng baon ng mga bugbuging estyudyante (Hinde! Hehe, tumatabi sila samin at kusa nilang binibigay lalo na pag malapit na ang exams).
Pinagdi-dikit dikit namin yung mga desks namin. Hinahawi ang mga libro, calculator, class records at exam papers na isang buwan nang di nachecheckan. Nilalatag ang mga kanya-kayang baon. Ang dalawang hiwang spam na baon ni teacher Nedz na dadalawang piraso na lang nga eh buburautin pa ni sir Buddy. =)) Ganun ka-simple ang buhay namin dati. Sarap na sarap sa mga biko at arsi na handa ng mga may ari ng school tuwing may okasyon. Sa apaka-anghang na saw-sawan ni teacher Josette. Sarap na sarap sa mga luto ni Teacher Tin na nginangasab ko kahit na-nguya na pala nya bilang naghalo-halo na sa mga salo-salo naming plato. Syet! hahahaha.
Yung mga naka-haing tinapay na nilalantakan namin sa Faculty pero nung naaninag naming parating si ma'am eh nakuhang ibulsa ni Teacher Tin yung kinagatang pandesal at ang malupit eh inilabas nya ulet sa pundya at habang may mga himul-mol pa eh tinapos nguyain nung nakitang dumeretcho si ma'am sa taas (may ref sa bulsa? =)). Sarap balik-balikan. Ang simple lang ng buhay nu'n. Buhay guro.
Fac. U. Hall of Famers:
Teacher Nedz—– Ang top notcher sa Fac. U. Hall of Fame dahil sa kanyang mga pinagagawa na may malaking Historical significance na di namin makakalimutan sa tanang buhay namin sa pabrika.
Nandyang nag padala ng ipis, daga, at lamok sa mga estyudyante nyang Grade 3 bilang home work. At ang malupet dun kailangan daw BUHAY! Naeskandalo ang buong paaralan. Pa'no nga naman makakapag dala ang bata ng buhay na lamok?!!!! Kakaibiganin ba muna sila ng estyudyante para kusang sumama sa skul? =)) Dahil sa kontrobersyal na assignment na'to, napasugod pabalik sa skul si ma'am na naka-rollers at tipong nabitin sa pagma-manecure bilang siya ata yung pinanghuhuli ng buhay na lamok ng apo nya na estyudyante rin ni Teacher Nedz. Kulang na lang, i-pang linis ni ma'am ng maruming pisara si Teacher Nedz sa galit. =))
Nandyang nag-request magpa-blue tooth ng picture sa co-teacher namin para sa tatay nya. (low tech pa ang mundo nun at Nokia pa ang domineering brand ng Cell Phone). Sir Lester: “'cher Nedz, ba’t parang di ko naman masagap yung blue tooth ng cell phone mo. kanino ko ba ipapasa?”. Teacher Nedz: “Eh, Sa tatay ko.”. Sir Lester: “Huh? eh nasan ba yung tatay mo?”. Teacher Nedz: “Nasa kapitolyo. Iniintay nya kasi yung picture sa blue tooth.” Sir Lester (speechless, bilang gusto atang gawing satellite powered ni teacher Nedz yung N 3250 ni sir Lester sa pagbu-blue tooth ng file na isang milyong metro ang layo mula sa kanya. =))
Pero mahal namin si teacher Nedz. Kahit kung anu anong kapalpakan at pasabog ang pinagagawa nya sa pabrika, sya yung pinaka di namin makakalimutan sa grupo. Ibang klase kasi yung mga bloopers nya eh. Parang di normal?! =))
Naka-tatak pa sa diwa namin kung pa'no sya tinupok ng apoy ni ma'am bilang umabsent na di nagpa-alam at naiwang naka-bitin ang section nya. Parang na-abo ang mala-Hawai Vacation na ambiance nya pag pasok nung mabugahan ng apoy ni ma'am. Pero kahit laging kinakaliskisan ni ma'am, napaka-sipag na guro ni Teacher Nedz. Sya yung naging karamay ko nung mga panahong dumadaus-dos na yung pagkakakapit ko sa trabaho. Taga-gising ko, bilang magkatabi kami sa desk, habang nangunguluntoy na sa laway yung Noli Metangereng libro na ginawa kong unan dahil lagi kong inaalmusal sa umaga (kinatulugan ko na.)
Kahit ganun ka-negatibo ang pagkaka-larawan ko sa'min at sa mga pasabog na karanasan namin sa “pabrika”, sinisigurado naming pag akyat namin sa sari-sarili naming kwarto, ibang tao na kami. Kami na yung Teacher na naka-paskil sa mga ID namin. Pilit tinatago sa malakas na boses ang hirap ng araw-araw na pagti-tiis sa mababang pasahod, mga papel na bit-bit mo hanggang bahay, mga “expectations” ng boss mo na hinde pa sumampa sa “minimum wage” na nakaukit sa pay-slip nyo. Magka-sabay kami ni Teacher Nedz na nag-wo-walling sa desk namin habang ninanam-nam ang mga nalalabing buwan bago kami mag-resign. =))
Teacher Tin—— Ang gangster na adviser ng 3rd year at katsokaran kong patagong sumisingit sa pila ng flag ceremony pag late na dumating (Puwera na lang nung makaisip ng malupet na action plan si ma'am na guhitan ng red line yung Log Book pag lampas ng 7: AM =)) Maaga akong dumadating sa School. Kapag Teacher ka, late ka natutulog pero maaga kang gumigising. Nananalaytay na sa dugo mo ang pagiging dedikado.
Alas Tres na ng madaling araw pero sub-sob pa rin ako sa paglalagay ng “Objectives” sa Lesson Plan kong Tatlong linggo nang delayed (sana nga buntis na lang yung lesson plan ko para dumami naman yung laman nya, kasu hinde eh =)) Sasampa ako ng School na basa ang buhok, nakakahiwa ang liston ng polo at slacks, may mga bit-bit na bagahe (na kundi test papers eh baon kong corned beef ang laman), at pus-pos ng pag-asang ma-isurvive ko ulet ang araw na 'to.
Darating sila Teacher Tin at Sir Ted na naka-motor. Gangster leader lang ang arrive, habang nag-lisawan na sa pila ng flag Ceremony yung mga advisory class nila. Palihim kaming sisingit ni Teacher Tin sa Pila ng mga Styudyante. Walang tunog ang yabag ng mga sapatos na pinakinang ng kewee. At sisigaw ng “keep your line straight! Walang lisaw ng lisaw!” na tila kanina pa kami matyagang nag-aayos ng pila at walang bahid ng pagka-late. =)) Pero minsan hinde rin epektib ang taktika na 'to. Lalo na pag naririnig na namin na pinapatugtog na ng Lyre Band ang “School Hymn” na tanda na tapos na ang Flag Ceremony at tapos na rin ang mga career namin dahil sa note na “Pls. See me!”, bilang hinayaan naming lumisaw ang mga bata sa pagka-late ng mga adviser nila. Deep Fried na naman sa sarili naming mantika sa loob ng office.
Sir Teddy— Ang skin-head rock star na may pasimuno ng pagbuo ng Fac. U. Ang striktong tatay ng mga 2nd Year Students. Ang Computer Teacher slash PE Coach slash Home Room Adviser.
Gaya ng marami, isa si Sir Ted sa mga nagbaka-sakaling makatupad ng calling bilang guro. Iba yung level ng Maturity nya na tipong mabilis naka-attract ng respeto ng mga estyudyante. Authoritative si Sir. Nandyang pinababa nya yung buong klase dahil di masawata sa ingay. Pina-dipa at pina-squat sa court habang ramdam ang hapdi ng tirik na araw. Muntik nang matusta yung mga batang may matitigas na bungo kundi lang pina-akyat ni Teacher Rochelle bago pa man kami sugurin ng mga katipunerong peyrents ng mga batang ginagawa naming daing. Pero dahil sa pagka-istrikto na yun, minahal sya ng mga estyudyante. Lalo na ng advisory class nya. Ganun naman ata talaga eh. Pangalawang magulang ka lalo na ng advisory class mo. Kung anong problema nila, problema mo rin.
Sir Badong/ Buddy— Ang love interest ng ingleserang principal na laging updated sa mga estyudyanteng may birth day at handaan kaya laging namamantikaan ang mga labi namin. Siya si 'Marujo’ (male version ni Maruja) bilang lakas maka-adonis ng datingan nya tuwing nasasabugan na'ng lahat kay ma'am pero sya yung kaisa-isang hinde nabubugahan ng apoy. Nagpa-panic na lahat pero sya naka-de-kwatro pa rin sa desk nya. Hinde namin alam kung anong meron si Marujo. Kung dahil lang ba 'to sa pagiging kahawig nya sa nasirang asawa ni ma'am oh dahil sya lang ang naka-gawa ng sirang computer sa office. Hanggang ngayon, isang malaking misteryo pa rin 'to sa'min. =))
Teacher Jep—— Ang asawa ng Badong na “Most Teacher”. Ang front liner sa pag papasa ng requirements on time. Mga tipong Friday next week pa ang deadline, eh bukas palang bit-bit na at parang nakaribbon na finished product ang ipapasa.
Sir Cesar — Ang Tatay sa'ming lahat. S'ya ang pinaka-mature mag-isip at kumilos sa loob ng Faculty (pwera na lang nung i-itsa nya yung calculator at alcohol ke teacher Nedz nung nagbi-biruan sila). Kapag may gusot ang isa sa'min, siya yung laging nakaka-isip kung pa'nu ayusin. Peace maker kung baga. Isa rin tong ligaw na kaluluwang nag-balik loob sa calling nyang maging guro. Iniwan nyang showbiz para mag-turo. Oo, artista sya nung araw.. ay, direktor pala. =)) Ganun naman ata talaga eh. Gagalugarin mo munang ibang trabaho bago mo matagpuan kung saan ka ba talaga masaya.
Sir J.C., Sir Lester , atbp.—— Mga pundasyon ng Fac. U. Mga dahilan kung bakit naging skwelahan ang skwelahan na’yun.
Myth: Ang Guro ay laging may unlimited at perpetual na pasensya.
Pag naroon ka na sa klase mo at nagtuturo, parang Super Hero ka lagi. Nagta-transform hinde bilang si Superman kundi bilang si “Incredible Hulk” lalo na kung di masawata ang ingay ng klase. Mahaba raw ang pisi ng pasensya ng isang guro, pero kahit gaano kahaba yun, may isang estyudyante na papatid at papatid sa naghihingalo mong pasensya.
2007 — Nabawasan ang dalahin ko sa pagbabagong anyo ng 2nd year Students mula ng mag-ala- “The Hulk” ako sa kanila kahapon. Parang nagtransform ako ng di-oras bilang isang mutant habang nagtuturo ng Cell Division, Mitosis, Meiosis, at kung anu-ano pang anik-anik sa Bayolohiya, dahil sa mga kamoteng estyudyante na namumuro na sa score card ng pagka-martir ko bilang guro. Para ‘kong naka mega phone na may sampung amplifiers sa sobrang pagpapakawala ko ng boses sa tindi ng galit ko. Para Chernobyll, isang nuclear Power Plant na sumabog dahil nasobrahan ng kinimkim na Radiation. Parang labintador na ipinahabol paputukin sa bagong taon. Parang eksena sa pelikula, “Ano?! Hinde ba talaga kayo mag-titino?! Ha!!!”….sabay balibag ng lagayan ng chalk. Parang gusto ko narin ngang palutangin sa ere at ipasunod dun yung table, kaso medyo mabigat.
Ito ang hudyat na puno na ang salop. Tahimik sila lahat. Wala ni isang nagbalak makarinig muli ng anumang tinig mula sa’kin, oh ni ng anumang bagay na maaari nilang Makitang pumapailanlang sa ere. Shocked ang lahat. Pero the show must go on! Tuloy ang klase ko. Tahimik….natauhan…nanibago. Sa kauna-unahang pagkakataon, marahil…natakot! Nasindak kong mga Gremlins ng buhay ko bilang guro! Eto yung mga henerasyon ng batang hinde mo pedeng daanin sa ngiti at lam-lam ng boses.
Kahit gaano ka kabait na guro, darating ka sa punto ng buhay mo na susubukin ka ng mga batang naka-subscribe sa “unli dal-dal” araw-araw. Sa mga grupo ng batang di ko maunawaan kung bakit laging gustong gumulong sa sahig at bumangas ng mga nguso ng kaklase nila sa tuwing oras pa ng Subject mo. Sa mga upuan at gamit na tipong kinalikaw na biko tuwing darating ka. Pag nasa harap ka ng klase, rinig mo kahit bulong lang ng pinaka-dulong styudyante na nagsa-sabing “Ang pangit ng sulat ni sir. hihihi”. Ramdam mong bawat kibot nila sa upuan. At kahit gaano ka kagaling sa Classroom Management, may mga pangyayaring susubok sa pinahid mong deodorant at sisira sa mga makukulay na class activities na pinangarap mong mairaos ng matiwasay sa araw na yun. Eto na ata ang katuparan ng “Reality VS. Expectations.”
Hinde sila pinauwi ng hapon na iyon. Hinde pinaligtas ng naghuhumiyaw kong galit na boses ang mga tenga ni teacher Tin sa kabilang classroom. Ipinatawag sa maliit na si Cyrus si sir teddy (ang asawa n’ya at adviser ng mga tyanak na nag-pataas ng blood pressure ko). Dumating si sir Ted, at tiyempong patapos na'ng klase ko. “Sir jeff, ‘di uuwi ang mga ‘yan!!!”, sabi n’ya. At ‘yun na nga. Part II ng paninindak the movie ay naihabilin na sa adviser nila, kay sir Ted. Palo sila ng tatay nila. Umaatikabong homily ang ginawa ni sir Ted. Isa-isang nahiwang tila patatas na nilulubog sa mantika ang mga kanina'y di magkamayaw na bubwit. Instant French Fries sa Homily. Deep Fried!
Kanina masungit ako, walang pansinan. Wala ni isang bahid ng emosyon sa klase. Ilag sila. Lalong ilag ako. May mga nag-sorry. Parang tinunaw na ice-cream ang dib-dib ko. Sapat na’yon. Nung nag-klase ko, tahimik. Bentilador lang ang maingay. Halos dinig ko na ang hangin na sumasad-sad sa paligid ng ilong nila, at ang bawat pag-pintig ng puso ng bawat isa. Gan’un katahimik! Nakakapanibago. Pero tuloy parin ang trabaho bilang Guro.
Matapos ang tatlong buwan at ang buong School Year, iniwan ko na’ng buhay-Guro. Sa lahat ng sections na na-handle ko, 2nd year ang alam kong ‘di plastic. Pasaway sila kung pasaway, dahil siguro bata pa naman talaga sila, pero pag may sinabi sila sa’yo, alam mong totoo. Nakikita mong sincerity. Pero yung mga tiyanak na dating nag-paliit sa life span ng buhay mo e yung mga Anghel rin na mapagtatanto mong nag pabago rin ng takbo ng buhay mo, dahil alam mong binago mo rin ang buhay nila, at sa huli eh mamimiss ka at mamimiss mo rin pala.
Siguro kung may gusto 'kong balikan, isa na ‘to sa mga panahon ng buhay ko na una sa listahan. Pinost ko 'to, hinde upang iparating kung ganu sila naging mga pasaway na bata (normal lang naman yun sa High School, kahit ako pasaway rin nung bata. Malay ko namang maaga 'kong makakarma.), kundi upang ipaalala na di mabubuo ang mga buhay nateng pare-pareho kung wala ang Stella.) =)
“Adios Patria Adorado”:
——– Nung 7 days nalang ang kailangan kong i-cross out sa kalendaryo bago mamaalam ng tuluyan sa pagtuturo (sa sobrang stress natutunan kong bilangin ang mga araw na kailangan kong ilagi sa pabrika at literal na ini-ekisan kong kalendaryo bawat uwi ng bahay para imark out na nakasurvive ulet ako ng isang araw) e dun ko lang naramdaman na parang napakahaba ng naging skul year sa dami ng nangyari.
Nandyang may mga mandirigmang parents na parang pinuno ng katipunan kung makasugod ng teachers. May teacher na ginagawang zoological park ang skul sa pagpapadala ng buhay na hayop sa styudyante. May teacher na tadtad ng note na..”pls see me” at nasabon at naisampay dahil tatlong buwan nang 'di nagpa-pasa ng lesson plan (oo na! sige na! ako nga yun!). May teacher na di na nakayanan ang asupreng apoy ng pabrika….nagresign! may muntik sumunod. At may muntik pasunurin! Ang daming nangyari. parang ibat ibang putahe ang bawat araw. At parang isang malaking teleserye ang buhay classroom. 'Di mo alam kung anung susunod na mangyayari. Oh anu ang magiging susunod na issue oh kung san magtatapos ang lahat.
———-Hinde ko alam kung kapareho ko ng pakiramdam sa pagre-resign ang mga kasama ko, pero para kong bilanggo na binigyan ng presidential pardon at napalaya nung araw na napirmahan ang clearance namin. Parang gusto kong akyatin ang flag pole at sumigaw ng YAHOOOO!!!! Habang winawagayway ang bandila ng pilipinas. Tipong Edsa Revolution ang dating.
Pero bukod sa pagkaligtas mula sa Martial law ng pabrika, eh naisip ko rin ang mga maliliit na buhay na binago mo bilang guro… ang mga estyudyante. Ang mga kasamahan mong isang buong taon mong naging kapanalig. At ang desk mo na lagi mong tinutulugan matapos mabasa ang storya nila Rajah Kulambu at ang Kabanata 23 ng Noli Metangere. Ang Hallway at mga batang bumabati sayo ng Good Morning sir! Ang plantsado mong polo, pantalon, at makinang mong katad (na natanggalan na ng swelas ngayon) na kelangan na ng loyalty award sa haba ng serbisyo. At ang buong pabrika. Naalala kong buong lugar. Ang buong lugar at mga tao na iiwan ko na ngayon.
Resignation Letter:
Dear Management,
The last Nine Months that had passed, had been the toughest, most filled-up andmost challenging Nine Months of my life. It had given me greater realizations not only of what I can do but most of all of what I cannot.I am greatly indebted to the School and its constituents (my Superiors, co-Teachers, Students and others) for honing my maturity as an individual and professional to its greater tilt.Although there’s always an enthusiasm within myself to render service for the School, it seems that my ship is better bound to set sail into a voyage outside of teaching.I will always be indebted to the School for widening farther my horizon, for giving even just a shortlived reality to the dream I once had, and for everything I’ve mentioned above.For all of these, THANK YOU very much.
——Pormal. Ni ‘di ko na nasabi sa letter of intent ko ang mga pang aaliping nangyari samin.
Taliwas sa tipikal na storya ng mga dedikadong guro na tumatawid ng ilog para makapag-palaganap ng karunungan sa mundo, ito yung kwento ng mga gurong pumapasok sa klase na walang libro pero kabisado ang listahan ng Elements sa Periodic Table (Ang gaan ng bangko. Mono-block siguro 'to =)) Mga gurong lesson plan ang hawak sa loob ng faculty pero bote ng red horse ang bit-bit sa labas. Mga gurong hinde ikinahon ang sarili sa limitadong pananaw ng ilan kung anung ibig sabihin ng isang tunay na teacher. Hinde porke’t teacher ka, kaya mo nang i-monopolyo ang kung anong sa tingin mo eh tama. Higit sa natututo sa'yo ang mga estyudyante eh natututo ka rin sa kanila; sa mga simpleng paraan na di nila sadyang turuan ka.
Gusto kong isiping may nabuwag kaming pader. May nagawa kaming tulay. May sistemang nabago……Nakagawa kami ng kasaysayan.