Showing posts with label Kwentong Call Center. Show all posts
Showing posts with label Kwentong Call Center. Show all posts

Thursday, January 1, 2015

Lost in Translation Part I (Buhay Call Center)

Taliwas sa paniniwala ng mga taong-Tabon, hinde lang puro durugista at mga under-grads na walang pangarap ang sumasabak sa pag-a-apply sa BPO oh Call Center at lalong hinde “chicken feed” ang proseso upang maka-pasok sa industriyang ito. Gaano kahirap? Parang gan’to…..

November 06 , 2010 12:28 AM
—————————————————————————————————–
*My first day funk (Outbound interview)
Setting : Final Interview (panel) 3 years ago sa Isang lib-lib na kumpanya sa sulok ng Ortigas Center na ngayon’y nagunaw na.
—————————————————————————————————–
*** Interview Session Starts Now ***
HR Officer : “what’s your favorite color in the rainbow?”
ME : ” Uhhmmm… My favorite color in the rainbow is Red! ” (smiling face…thinking na sobrang sisiw ng tanung)
HR Officer : “ok! so , if i’m a blind person since birth… how would you describe to me the Red color ?”
ME : (pinag pawisan kahit airconned yung cubicle. Parang may mga maiitim na ulap na biglang bumalot sa paligid ko. Tipong iniisip ko nalang na sana mag brown-out, mag delubyo, bumuka ang lupa at matapos na ang interview.) “Uhhmmm… ifff..you’re..a.. blind person since birth..i’ll ..uhhhmmm..(lunok ng laway).. i’ll tell you to.. (punas pawis).. feel your heart (sabay lagay ng kamay sa dib dib ..parang kakanta ng pambansang awit) … and i’ll tell you that what you are feeling pumping inside it is your heart that contains gallons of blood covered by red color , (brain cells activate!!!!) so intensed that such red fluid flows vividly through out your body making you exist now.” (ex-hale.. lunok laway..punas pawis)
(Nu’n ko lang naisip na wala ng ibang paraan para ilarawan ang kulay other than seeing it. Since kulay nga sya..di mo sya pedeng malasahan, mahawakan, maamoy, madama etc. unless makita mo s’ya. At pa’nu mo ide-describe ang kulay sa taong di pa nakakita ng kulay sa buong buhay n’ya at walang kakayahang makita yun?…ang nasabi ko nalang sa sarili ko ng mga panahong yun..”Nyeta! anu ba ‘tong pinasok ko?!” hahaha)s
HR Officer : (taas kilay) .. “well said!” (lumingon sa katabi kong kakumpetensya sa posisyon). “So, you’ve been into telemarketing before?”
Salbakutang Applicant : “yes ma’am” (taas noo)
HR Officer : “Ok, that’s nice. So, if i’m a nun who’s too dogmatic to my religious belief, how would you convince me to do breast augmentation?”
Salbakutang Applicant : (nag kulay violet ang mukha) “Well, i’ll tell you to …uhmmm…. (naging heavy violet na ang mukha) so you’re a nun?” (poker face)
HR Officer : “yes i am, for this scenario.”
Salbakutang Applicant : “ah..so you are a nun… well,i’ll tell you that… uhmmm..(kinapa ang sarili nyang breasts) .. that your breast would look better having them resized. that’s it ma’am.”
HR Officer : (umasim ang mukha) “Ok!” (tumingin ulet sakin. syempre na-resurrect ulet ang mga maiitim na ulap sa paligid ko.this time, may kasama ng kulog at kidlat.) “so Jeff, do you smoke?”
Me : “no ma’am.”
HR Officer : “that’s good. but if i’m a lung cancer patient who’s about to die.. how would you convince me to smoke again?”
Me : (feeling ko humiwalay na yung spirito ko sa katawang lupa sa sobrang nerbyos) ….(may moment of silence… tipong naririnig na namin ung hangin na dumadaan sa pagitan ng ilong namin.. parang ultrasonic hearing lang.. ala superman.. at nalaglag ang ball pen sa floor..bumalik kami sa totoong mundo.kinuha ko ang ball pen. may bombilyang biglang nasindihan sa taas ng bunbunan ko.brain cells activate!!!!) ..”Well, let’s say that this pen is a cigarrette.. no .. let me call it medirette.. since this cigar holds medicative properties that it not only lets you savor the deluxe of smoking but heals you from your illness as well, like hitting two birds in one stone. So why not smoke again?!” (parang may mga imaginary audience na nag standing obation sa paligid with matching confetti shower)
HR Officer : (umabot na sa bunbunan ang isang kilay… parang may bell’s palsy lang) “ok. that’s great jeff! so, this would be the last question for both of you.. (di parin inaalis ang tingin sakin.. parang naka-mighty bond).. if there’s only one slot left for the post… would you give it to him or would you take it for yourself?”
(Moment of silence part II. Parang naririnig ko yung back ground music ng Jaws III habang nag-hihintay ang bawat isa ng sagot mula sa’kin)Station ko.
Me : (lumingon muna ko sa kakumpetensyang applikante… slow motion! sakto! nakatingin rin s’ya sakin.. may spark..parang meralco lang… maasim ang mukha nya..tipong nag mumurang sinasabing ayusin mong isasagot mo! aabangan kita sa baba pag di ako natanggap! yuyupiin kita na parang lata ng coke!!! … parang may mga kitchen knife na lumalabas sa mga pupils nya papunta sakin) .. “Well, I’m really eager to get the job but not to such extent that i’ll be stepping on other people’s welfare. I’m sure he also has what it takes to deserve the post but maybe it’s not for me to judge.” (pahumble.. parang may tumubong halo sa ulo ko..instant angel image).
HR Officer : (tumango lang.. lumingon sa katabi ko.. tumaas ang kaliwang kilay..parang kilay ni batman nung kikitilan na nya ng buhay si joker) “how bout you sir?”
Salbakutang Applicant : (lumingon rin sakin.. parang matapobreng kontrabida sa pelikula habang pinapahirapan ung mga dukhang katulong sa storya) “If there’ll be one slot left.. I know ..no, I’m sure.. that having experienced outbound before, I have more edge and skills to get the position.” (nasaktan ako! makirot! parang pigsang nadaplisan ng alcohol. freshly baked kasi ko nun.. call center virgin.. first time to apply. parang gusto kong itaob ung lamesa at sabihing..”sobra ka na wa!!! kung di pa mukhang kamatis yang ilong mo!!!”).
HR Officer : ok. thank you both. wait outside pls, until your names are called.
Prang i.T. Lng.Hehe(umalis kami ng interview cubicle..naghintay sa labas.. hulaan nyo kung sinong natanggap?)
-JMDC

Lost in Translation Part II (Buhay Outbound Call Center)

Madugo ang buhay sa Outbound Call Center. Kulang na lang mag-hara-kiri ka kapag umuuwing ni di man lang sumasampa sa “Sales Quota”. Sa industriyang ito, lagi kang nagiging mapa-mahiin. Nabubuhay ang dugo mong katoliko (minsan naco-convert sa pagiging Hindu) ‘pag di na talaga kaya ng pananampalataya mong makakabenta ka sa araw-araw na ginawa ng may-kapal.

Eto ang kwento sa likod ng mga katagang: “Is the Owner Available?”
Call Flow:
1. Dial: (Kringgg… krinnnggg..)
2. Opening Spiel: “Hi! Is the Owner available?”
At eto ang mga sagot ng makaka-usap mo sa kabilang linya:
“Honer na hir!” —- kung nahirapan kang intindihin, kami rin nag-dusa sa pag-unawa kung anu yan. Isa sa mga paboritong linya ng mga Vietnamese at Tsinong Gate keepers bago i-itsa sa lamesa ang telepono.
Bilang ang trabaho naten eh mag-hanap ng imported na business owner over the phone,
Eto yung mga famous lines nila pag-tinanong mo ng “Is The owner available?”
1. “What’s your horder? Is it pick-up or delivery?” — nakaka-iyak!
2. “No one here! No howner! No Manedyer! No body hir! tenkyu! tenkyu!” —- Momo ba yung sumagot ng telepono? Yung totoo!
3. “He’s dead!” —- Bagsak agad ng telepono? Hinde man lang inantay yung empathy and assurance statements ko sa pagka-tsugi ng owner!
4. “Are you looking for Jesus?” —- Eh malay ko namang simbahan pala yan?! Kala ko resto bilang “Soup for the Soul” ang title!
5. “Bueno! No intiendo Ingles!” —- Jackpot! Ambush time!
6. “Owner’s hard of coming. He comes in and out.” —– tsk tsk. nakaka-habag si owner. =))
7. “Call back again next week.” —– isang buwan na kitang binebest friend over the phone!
8. “He’s out of town.” —- Lingo-lingong out of town? Nakakahiya naman kay Dora.
9. “I’ll give you the owner, wait one second…” —- yung nag-modulate ka na ng lalamunan mo’t eksayted na mag-pitch, itatapon ka lang pala ng damuhong Gate-keeper sa VM ni owner. Hayuf!
10. “I’m the owner but my manager handles that for me..wait I’ll pass you to him..”
“I’m the manager but you need to talk to our sales supervisor!”
“I’m the sales supervisor but Kyeme is the best person to talk to!”
“I’m kyeme but our Corporate office takes care of that and I believe we would’nt be interested! Bye!”
——— Matapos kang pag-pasa-pasahan, gusto mo nalang mag-hara-kiri sa tapat ng salamin ng CR habang hinihimas ang mga braso at binubulong sa sarili mo na ..”Binaboy nila ‘ko.. ang dumi-dumi ko na! Mga hayuf sila!” =))
November 22, 2013 —- dito nagsimula ang lahat:qm station
“Jackpot!” —Ume-echo sa likod ng isip ko habang tuwang-tuwa sa pagkaka-diskubre ng Call Center na isang ubo lang mula sa’min.
Sa wakas, makaka-pasok na ‘ko sa opisina na basa ang buhok at hinde tipong nanggaling sa shooting ng SOCO, hulasan mula sa buwis-buhay na biyahe. Aminin nyo, inisip nyo rin nu’n na baka naka-jumper lang tayo sa Cabanas at tipong wire-tapped lang yung PLDT naten bilang wala ni anino ng Avaya sa floor.
Akala ko nga nun may bigla nalang susulpot sa pinto na mga alipores ni Mike Enriquez para mag-deklara ng Raid bilang lakas maka-cyber den ng opisina naten. Pero nung una lang yun.
kalaunan, napagtanto rin naten na kumpara sa ibang industriya na sumibol sa probinsya, hinde rin basta-basta ang kumpanyang kinapad-paran naten. Mababait ang mga may-ari.. sobra!
Iba talaga ‘pag kapwa mo bulakenyo ang katrabaho mo (So may problema sa mga taga-Maynila? Racist lang? hahaha).
Punong-puno ng surprises ang buong buhay naten sa kumpanyang eto. Simula sa Misteryosang boses sa likod ng Skype final interview. Hanggang sa pagsisiwalat at pamamahagi ng makabag-bag dam-daming goodbye letter sa floor.
“Hi Mr. Dela Cruz, How are you?” — eka ng mahiwagang boses sa final interview. “Oh, Hi Ms. Nivien! I’m quite nervous but I believe I could manage. Thanks for asking! And how are you?” — Cool pa rin kahit na mukha akong biktima ng WOW Mali sa hitsura ko sa screen ng skype. “Oh, I’m quite nervous too but I believe I could manage. hahaha.” —- Nahawi ang maiitim na ulap ng nag-sink-in sa’kin na nagtatawanan nalang kami ng britton sa likod ng boses sa final interview. Si ninang talaga! =))
Pasko nu’n. Ay, pasko nga ba? Hinde ko lang sure dahil dumanas tayo ng masidhing Holiday depression. Mainit. Palisaw-lisaw sa lansangan. At tipong 7/11 lang ang pamatay gutom sa gitna ng gabi. Muntik nang magdil-dil ng asin ang mga pamilya naten bilang sa January pa raw mamumudmod ng biyaya ang kumpanya.
frendsSi Justine ang unang casualty bilang ayaw nyang “mag-ambag-ambag” nung tinanong siya ng “what can you contribute to the company?”. =)) Tapos sumunod si Mimi. Aliw na aliw pa man din tayo sa mga momo stories nya at kung paano siya niligawan ng bakulaw. =))
Pero kalaunan, napag-tanto naten na sulit ang pag-kapit hanggang sa huli. Narealize naten ‘to habang lumalafang ng inihaw na bangus na kauna-unahang free meal naten. Skeletal system nalang nga nung bangus yung natira sa styro ni Milleta eh. kung nakakain nga lang yung palikpik baka bahid nalang ng mantika yung matira sa styro. Sheeeraappp! =))
Uso ang Seminars nun. Si Joey ang isa sa masugid na host at si Eleanor ang special guest sa Reproductive Health topic. Matapos ang higit sa dalawang linggong talk show habang nagsu-sun bathing sa araw bilang hubad pa yung mga glass windows naten, pinag-mock call na tayo. Sa wakas!
Panahon na para mabigyang hustisya ang mga isinapuso nateng Rebuttals na prinaktis pa naten sa tapat ng salamin, sa loob ng tricycle, sa higaan bago matulog, sa lamesa bago kumain, sa kusina habang nagluluto, at sa kung saan-saan pang lugar mairaos lang ang training.
Ginawa nateng Business owner yung jowa ni suzie, yung walang muwang na kasambahay nila RJ, yung anak ni mimi, yung kapit-bahay namin at kung sino-sino pa na basta may abilidad makapag-salita eh pede nang isama sa call sim. Ganun tayo ka-dedicated. =))
Hanggang sa pumasok nalang tayo isang araw na pede nang mag-swimming sa dami ng tao sa hagdanan. Akala ko may prayer rally, yun pala nandito na yung ibang batch ng trainees. Growing family! =)) Na-star struck ang lahat sa pagka-imported nila ninong at ninang.
Sa wakas nabigyang katauhan na rin ang babae sa likod ng mahiwagang boses sa skype nung training. All in tangible flesh. Fresh from California.
quality media
Aminin man naten oh hinde, maraming beses tayong natakot maiwang mag-isa kasama sila bilang limitado lang yung baon nateng Ingles at lakas ng loob. =))
Nung nagkipag-hand shake nga si ninong..”Hi! How are you guyz doin’?!”.. nung break muntik na ‘ko mag-seizure at pansamantalang mawala sa katinuan bilang hinde ako prepared mag-hagilap ng “I’m doing fine! thanks for asking, sir!”.
Nung mock call na with ninang, hinde ko siya matingnan habang nag-co-call sim dahil lalo kong naiimagine na humihiwalay yung espirito ko sa katawang lupa at tipong naghu-hukom na bilang kamukha talaga niya si Mama Mary. Lalo pa nung sinabi nyang.. “It’s not like baby Jesus would come down from heaven, save your business from dying and then float back-up again..”
Pero nung huli, nakuha rin namin yung kiliti nya (Matapos maka-ilang salin ng dugo sa training).”I like your being Rude! I would unleash the beast in you!’ — Nung sinabi nya ‘to, unti-unting gumapang paitaas ang mga kuko naming dumadausdos na sa pagkapit sa kumpanya. Ang galing nyang mag-motivate ng tao. Hinde siguro mangyayari ang mga nangyari kung nandito pa siya.
Nung mga panahong kasing payat na naten yung ipinasa nateng X-ray sa tagal ng paga-antay ng delayed na suweldo,nasubok ang pananampalataya ng lahat.
Hinde maiiwasang may mga muntik nang magpa-lutang ng keyboard sa ere at mag-harbat ng bigas at asukal sa mini-pantry dahil mahigit isang buwan nang nakalipas eh maintaining balance pa rin ang laman ng BPI… Na hinde rin naman talaga kasalanan ng management.
Maraming beses nasubok ang pananalig naten sa buhay.Hinde ko alam kung yun din ang dahilan kung bakit may mga maiitim ang budhi na dumadalawang kuha ng free meal at nag-ne-nenok ng mga gamit sa lababo. At may mga nag-iiwan ng mga mahihiwagang hibla ng kulot na buhok sa sabon ng CR. Tipong halamang itinanim sa safe-guard. =))
Naresolbahan naman ang sigalot bago pa nag-taob ng mini-tables and mini-monitor ang mga tao sa TESDA Learning Center. =))
Masaya rin naman sa floor. Eto yung mga bagay na mami-miss ko:
1. Yung ang lively ng “Hi!” at “Good Morning!” mo, only to find out na pobreng Voicemail lang pala kausap mo.
2. Yung full conviction ka pa mag-iwan ng message sa Voicemail pero nasira ang poise mo nung mag-iiwan ka na ng number naten bilang nakalimutan mo siya bigla-bigla.
3. Yung nasa mood kang mag-iwan ng message pero ultimo Voicemail ha-hang upan ka at nagmama-asim na sasabihin sa’yong “Sorry! There’s no enough space left! Bye!”
4. Yung nagtatanong lang ng call back number si owner bilang naghahadali sya eh tinapon mo na agad sa closer.
5. Yung naisipan mong mag-palit ng relihiyon nung mga panahong tirik na ang araw eh wala ka pa ring score sa white board.
6. Yung iniisip mo nang magpa-tawas at baka nadu-dwende ka na sa tumal ng benta.
7. Yung kulang nalang eh mag-hain ka ng bigas at sisiw sa ibabaw ng station mo makahanap lang ng hustisya sa sunod-sunod mong missed flips.
8. Yung nag-tic-tac at nag-vertical ka na sa ibabaw ng station mo mapa-OO lang si owner, tapos pag-tawag mo sa closers biglang VM lahat. Parang gusto mo nang mag-basag ng bintana at sumigaw ng “Why Lordddd?! Whyyyy?!” nung makita mong nag-hung up na si owner. Namatay ka na lang bigla sa sama ng loob. =))
9. Yung kulang nalang eh ibigay sa’yo ni owner yung credit card niya at fb account sa pangbubudol-budol mo, tapos pag-pasa mo sa closer bigla kang icha-chat na..”Do not transfer the lead! Do not put it under my name! No one on the line!” Gusto mo nalang i-chat nang..”i-chika mo sa Frog! leche!”
10. Yung nag-lalas-las at nag-bubud-bod ka na ng kalamansi sa braso mo Huwag ka lang kunin ng liwanag at antok.
11. Yung ganadong-ganado kang mag-break tapos biglang may abogado nang dumating,
marami na kayo bigla sa floor, nababalot ng maiitim na ulap ang paligid,
“and as I walk to the valley of the shadow of death..”– naiimagine mong yan ang back-ground music,
tahimik ang lahat, bentilador lang ang maingay,
akala mo nagka-totoo na yung pag-re-Raid ni Mike Enriquez sa cyber den,
at nagku-kurdon na ng police line ang SOCO,
Nagi-slow motion sa isip mo ang buka ng bibig ni Attorney…”I’mmmm.. Sooorrryyy.. Buuuttt theee accooouunnttt gooottt puulleeddd ouuuttt…”,
parang pirated CD na kinakain ang boses at tumatalon-talon.
At the end, we got back at our feet. Natapos nang shooting ng SOCO. Nakakalungkot para sa iba na naka-tagpo na ng Comfort Zone at kaibigan sa kumpanya. Para sa mga kudaan ng break-time na sumalba saten sa pagkikim-kim ng mga kanya-kanyang hinagpis sa buhay. Pero ganun pa man, nangyari ‘to dahil may nakalaang mas maganda para sa’teng lahat. Manalig tayo! =))
Mamimiss kong kahabaan ng cabanas na nasaksihan naten sa lahat ng uri ng time-zone. Na sagana sa stray dogs and cats mula gabi hanggang hapon.
Mami-miss ko kayo. =)
No effort is wasted for something worth trying and worth being part of our short but splendid experience!
“I appreciate your time and thank you so much for taking my call today!” =)
-JMDC

Lost in Translation Part III (Adios sa buwis buhay na “Thank you for Calling..”)

All I wanted to do before was to grab that Pinoy dream of landing a Job and wearing one of those magnetic ID’s that left you breathless by automatically opening up the glass door of your big time office like magic.

upuanI was a clueless promdi who was thrilled with talking elevators and guards who speak English better than your prof. in college.
(Muntik na’ko sumuka ng dugo nung sinabi ni Guard na “Sir, Please be aware that this is an English Only Zone..” Tinatanung ko lang naman kung san yung CR. =))
I did not realize that the 4th of July would redefine the past five years of my life (emo ko leche! beer pa! hahaha).
It’s been a splendid experience spending the last half decade of my life working with you.
Especial ang mga tao na nakasalamuha ko dito gaya ng pagiging especial ko at ng especial ensaymada ng Malolos. =))
BYE (B-e with, Y-ou, E-verytime) for now.cct
————->> Eto ang maka-bagbag dam-damin kong good bye letter nung mga panahong bumukas na yung rehas ng bilangguan namin, at naghu-humiyaw na ng “freedooomm” yung diwa ko, habang binibigay yung “resignation letter” at sinasambit yung “resignation request” na minemorize ko pa sa harap ng salamin kagabi.
Sa wakas makaka-laya na ko sa buhay Call Center (Gusto ko sanang paniwalain yung sarili ko na natupad ko ‘to. hahaha)
Kung hinde mo pa nasubukang mag-trabaho sa industriyang ito, hayaan mong pasilipin kita sa kung anu-anong anik-anik ang pinagagagawa ng isang inbound agent sa isang BPO Company. Gan’to kasi yun….
“I’m sorry?” —– Mahinahon, bed-room voice at may lambing sa dulo.
Eto ang mga unang katagang nasambit ko sa telepono nung nagsisimula palang ako sa industriyang eto.
Matagal-tagal na rin yun. Mga tipong black&white pa yung mga palabas sa t.v. hahaha.
Sa trabahong ito, puno ka dapat ng emosyon!
Memorized mo ang mga shining-shimmering-splendid na empathy at assurance statements at alam mo kung kelan sila akmang gamitin.
naisi-sigaw mo sya subconciously kahit nagulat ka lang dahil nalag-lag yung ballpen mo. =))avaya
Alam mo lahat ng uri ng synonyms ng “I’m sorry”.
Sasambitin mo ‘to ng bukal sa kalooban kahit alam mong wala ka naman ni ga-buning kinalaman sa pag-taas ng bills nila,
oh pag-nguya ng P.G. nilang tuta sa kable ng modem,
oh ng password nila sa email na minu-minuto nilang nakaka-limutan (tipong kaka-reset niyo palang i-rereset mo na ulet after 10secs dahil gold fish memory si lolo).
Minsan gusto mo nalang sabihing..”Pati ba naman global warming sa’min mo isisisi sir?! Kami ba si Lord?!”
At dahil ayaw mong magdildil ng asin ang pamilya mo kapag nag-goodbye ka sa trabaho pag narinig yan ng Quality,
malam-lam mo paring sasabihing.. “Oh, I’m sure our outside lines are well secured, but severe weather conditions inevitably affect our services like any other service-providers sir, I do appologize.”
Sabay mute. Tapos… uhmmm.. mag… pe-pray syempre! hahaha.
Pray mo kay Lord na mabudburan yung kausap mo ng konting brain cells ng magka-unawaan naman kayo.
———————————————————————————–
Hinde lang isang beses nangyari ang eksenang ito:
Cust: (Halimaw mode) “That’s why we don’t have jobs here at the U.S., because you dumb heads are robbing us of that!”
Rep: (mute) “Eh pota pati ba pagiging estambay mo ibubunton mo sa’kin, kasalanan ko ba kung mas marami kaming brain-cells kesa sa’yo? anu namang kinalaman ko sa mga kasawian mo sa buhay at kelangang sa’kin mo i-buhos poot mo sa mundo? ako ba si Lord, ha?!”
(un-mute) “I see the light on your point sir, and I share the emotions, although much as I would love to indulge myself with matters business-wise, my expertise only covers to satisfy the best of our internet and tv services. I have great hopes that everything still fall into their right places in terms of you finding the right work opportunities sir.”
(mute, sabay muk-mok sa katabi) “Nyetang to tumawag lang para isisi sa’kin yung karalitaan nya sa buhay, sinisi ko ba sya nung nabaha kami, hinde naman di ba?” =))
————————————————————————————
Minsan mas mahal pa yung tuition mo kesa sa sweldo mo pagka-graduate. Investment daw ang edukasyon, pero sa bansa naten… marami ang nalulugi! Yung tipong di mo na ma-pronounce yung course mo sa sobrang teknikal at tipong wala sa webster at akala mong yayaman ka na agad pagka-graduate mo, pero huli na nang mapag-tanto mo na nasa Pinas ka nga pala at walang pera sa bayolohiya.
Under-employed ba tawag ‘pag mismatched yung course mo sa trabaho mo?.. hinde rin.. tawag dun..DISKARTE. Hinde porke’t nasa call center wala nang narating sa buhay, kelangan ba adik-adik na agad pag nandun, di ba pedeng nag-hahanap muna ng mas magandang oportunidad?
————————————————————————————
cvgSinubok tayo ng trabahong ito.
Dito na’ko nag-celebrate ng maka-ilang bithdays, Christmas, New year, Valentines at dito narin ako nag-puberty. =))
Higit sa lugar, trabaho, mga imported na kausap sa telepono.. mas hahanap-hanapin mo yung mga taong naging parte ng pagpu-puyat mo gabi-gabi.
Pero kahit ganu man pinag-buhol ang kalikaw ng bituka nyo…
wala paring tatalo sa luwalhati ng pagreretiro.
Tayo parin magkikita-kita sa finals! Yeah!
(lakas maka-PBA. hahaha) ——-> (dedicated para sa mga nakalimutang bayani na ginagawang araw ang gabi at kung minsan eh tampulan ng stereotyping ng mga taong-tabon na mababa ang pagtingin sa mga taong nagsa-sakripisyo sa Call Center. =)
-JMDC

About This (Crappy) Blog

This blog is a product of the author‘s Brain Cell Diarrhea. It is sad that his introvert background was not able to subdue his pen’s roaring outbursts to write. Thus, it would not be any wonder if this blog exhibits lack of coherence, grammatical clarity and neatness. Topics are arranged out of his crappy desires, with no definite agenda and all out of fun blogging and a strong/compelling urge to write.
He violently argues that if you have an idea and you believe it’s brilliant (no matter how crappy others might think of it) capture it! Write! And post it to posterity.
It’s 2014. We live in the era where Apple and Black Berry are no longer considered fruits. We live in the time of smart phones and stupid people.
We are in a deranged Era where people twit rather than talk, stab people at their walls other than their back, and all we thought our world revolves around our FB walls but in reality, we built walls upon which our lonely Universe revolves. Write! Blog!
If you no longer see any updates on this blog, please be aware that the Author could have been cured from Brain Cell Diarrhea, realized that there’s more to life than the internet, forgotten the password (due to signs of aging), or sadly died of tumor due to stress from work! (Thanks for the Empathy and happy blogging! =)
—————————————————————————————–
under_construction1
(Ang blog na ito, sa karamihan ng pagkakataon, ay binubuo ng mga artikulong ginagamitan ng Filipino at sa kalimitan ay Ingles na Lenguwahe.
This blog is mainly transcribed in Filipino and few posts in English, unless otherwise requested by my imaginary readers. Lol!)
Parang instructional manual lang ng appliances, transcribed sa dala-dalawang lenguwahe. Gulo! hahaha.
—————————————————————————————–
As the Author also needs to prioritize work, family and (imaginary) social life, this blog would always reflect an incomplete road that gradually and continually morphs into its final form as construction goes on. Same with Life, it would always be a “work in progress”. =)
—————————————————————————————–

Other wordy-crappy-beating-around-the-bush blog sites:
—————————————————————————————–
Jeyffer Mendez (Jeff M.D.C.)