Thursday, January 1, 2015

Lost in Translation Part II (Buhay Outbound Call Center)

Madugo ang buhay sa Outbound Call Center. Kulang na lang mag-hara-kiri ka kapag umuuwing ni di man lang sumasampa sa “Sales Quota”. Sa industriyang ito, lagi kang nagiging mapa-mahiin. Nabubuhay ang dugo mong katoliko (minsan naco-convert sa pagiging Hindu) ‘pag di na talaga kaya ng pananampalataya mong makakabenta ka sa araw-araw na ginawa ng may-kapal.

Eto ang kwento sa likod ng mga katagang: “Is the Owner Available?”
Call Flow:
1. Dial: (Kringgg… krinnnggg..)
2. Opening Spiel: “Hi! Is the Owner available?”
At eto ang mga sagot ng makaka-usap mo sa kabilang linya:
“Honer na hir!” —- kung nahirapan kang intindihin, kami rin nag-dusa sa pag-unawa kung anu yan. Isa sa mga paboritong linya ng mga Vietnamese at Tsinong Gate keepers bago i-itsa sa lamesa ang telepono.
Bilang ang trabaho naten eh mag-hanap ng imported na business owner over the phone,
Eto yung mga famous lines nila pag-tinanong mo ng “Is The owner available?”
1. “What’s your horder? Is it pick-up or delivery?” — nakaka-iyak!
2. “No one here! No howner! No Manedyer! No body hir! tenkyu! tenkyu!” —- Momo ba yung sumagot ng telepono? Yung totoo!
3. “He’s dead!” —- Bagsak agad ng telepono? Hinde man lang inantay yung empathy and assurance statements ko sa pagka-tsugi ng owner!
4. “Are you looking for Jesus?” —- Eh malay ko namang simbahan pala yan?! Kala ko resto bilang “Soup for the Soul” ang title!
5. “Bueno! No intiendo Ingles!” —- Jackpot! Ambush time!
6. “Owner’s hard of coming. He comes in and out.” —– tsk tsk. nakaka-habag si owner. =))
7. “Call back again next week.” —– isang buwan na kitang binebest friend over the phone!
8. “He’s out of town.” —- Lingo-lingong out of town? Nakakahiya naman kay Dora.
9. “I’ll give you the owner, wait one second…” —- yung nag-modulate ka na ng lalamunan mo’t eksayted na mag-pitch, itatapon ka lang pala ng damuhong Gate-keeper sa VM ni owner. Hayuf!
10. “I’m the owner but my manager handles that for me..wait I’ll pass you to him..”
“I’m the manager but you need to talk to our sales supervisor!”
“I’m the sales supervisor but Kyeme is the best person to talk to!”
“I’m kyeme but our Corporate office takes care of that and I believe we would’nt be interested! Bye!”
——— Matapos kang pag-pasa-pasahan, gusto mo nalang mag-hara-kiri sa tapat ng salamin ng CR habang hinihimas ang mga braso at binubulong sa sarili mo na ..”Binaboy nila ‘ko.. ang dumi-dumi ko na! Mga hayuf sila!” =))
November 22, 2013 —- dito nagsimula ang lahat:qm station
“Jackpot!” —Ume-echo sa likod ng isip ko habang tuwang-tuwa sa pagkaka-diskubre ng Call Center na isang ubo lang mula sa’min.
Sa wakas, makaka-pasok na ‘ko sa opisina na basa ang buhok at hinde tipong nanggaling sa shooting ng SOCO, hulasan mula sa buwis-buhay na biyahe. Aminin nyo, inisip nyo rin nu’n na baka naka-jumper lang tayo sa Cabanas at tipong wire-tapped lang yung PLDT naten bilang wala ni anino ng Avaya sa floor.
Akala ko nga nun may bigla nalang susulpot sa pinto na mga alipores ni Mike Enriquez para mag-deklara ng Raid bilang lakas maka-cyber den ng opisina naten. Pero nung una lang yun.
kalaunan, napagtanto rin naten na kumpara sa ibang industriya na sumibol sa probinsya, hinde rin basta-basta ang kumpanyang kinapad-paran naten. Mababait ang mga may-ari.. sobra!
Iba talaga ‘pag kapwa mo bulakenyo ang katrabaho mo (So may problema sa mga taga-Maynila? Racist lang? hahaha).
Punong-puno ng surprises ang buong buhay naten sa kumpanyang eto. Simula sa Misteryosang boses sa likod ng Skype final interview. Hanggang sa pagsisiwalat at pamamahagi ng makabag-bag dam-daming goodbye letter sa floor.
“Hi Mr. Dela Cruz, How are you?” — eka ng mahiwagang boses sa final interview. “Oh, Hi Ms. Nivien! I’m quite nervous but I believe I could manage. Thanks for asking! And how are you?” — Cool pa rin kahit na mukha akong biktima ng WOW Mali sa hitsura ko sa screen ng skype. “Oh, I’m quite nervous too but I believe I could manage. hahaha.” —- Nahawi ang maiitim na ulap ng nag-sink-in sa’kin na nagtatawanan nalang kami ng britton sa likod ng boses sa final interview. Si ninang talaga! =))
Pasko nu’n. Ay, pasko nga ba? Hinde ko lang sure dahil dumanas tayo ng masidhing Holiday depression. Mainit. Palisaw-lisaw sa lansangan. At tipong 7/11 lang ang pamatay gutom sa gitna ng gabi. Muntik nang magdil-dil ng asin ang mga pamilya naten bilang sa January pa raw mamumudmod ng biyaya ang kumpanya.
frendsSi Justine ang unang casualty bilang ayaw nyang “mag-ambag-ambag” nung tinanong siya ng “what can you contribute to the company?”. =)) Tapos sumunod si Mimi. Aliw na aliw pa man din tayo sa mga momo stories nya at kung paano siya niligawan ng bakulaw. =))
Pero kalaunan, napag-tanto naten na sulit ang pag-kapit hanggang sa huli. Narealize naten ‘to habang lumalafang ng inihaw na bangus na kauna-unahang free meal naten. Skeletal system nalang nga nung bangus yung natira sa styro ni Milleta eh. kung nakakain nga lang yung palikpik baka bahid nalang ng mantika yung matira sa styro. Sheeeraappp! =))
Uso ang Seminars nun. Si Joey ang isa sa masugid na host at si Eleanor ang special guest sa Reproductive Health topic. Matapos ang higit sa dalawang linggong talk show habang nagsu-sun bathing sa araw bilang hubad pa yung mga glass windows naten, pinag-mock call na tayo. Sa wakas!
Panahon na para mabigyang hustisya ang mga isinapuso nateng Rebuttals na prinaktis pa naten sa tapat ng salamin, sa loob ng tricycle, sa higaan bago matulog, sa lamesa bago kumain, sa kusina habang nagluluto, at sa kung saan-saan pang lugar mairaos lang ang training.
Ginawa nateng Business owner yung jowa ni suzie, yung walang muwang na kasambahay nila RJ, yung anak ni mimi, yung kapit-bahay namin at kung sino-sino pa na basta may abilidad makapag-salita eh pede nang isama sa call sim. Ganun tayo ka-dedicated. =))
Hanggang sa pumasok nalang tayo isang araw na pede nang mag-swimming sa dami ng tao sa hagdanan. Akala ko may prayer rally, yun pala nandito na yung ibang batch ng trainees. Growing family! =)) Na-star struck ang lahat sa pagka-imported nila ninong at ninang.
Sa wakas nabigyang katauhan na rin ang babae sa likod ng mahiwagang boses sa skype nung training. All in tangible flesh. Fresh from California.
quality media
Aminin man naten oh hinde, maraming beses tayong natakot maiwang mag-isa kasama sila bilang limitado lang yung baon nateng Ingles at lakas ng loob. =))
Nung nagkipag-hand shake nga si ninong..”Hi! How are you guyz doin’?!”.. nung break muntik na ‘ko mag-seizure at pansamantalang mawala sa katinuan bilang hinde ako prepared mag-hagilap ng “I’m doing fine! thanks for asking, sir!”.
Nung mock call na with ninang, hinde ko siya matingnan habang nag-co-call sim dahil lalo kong naiimagine na humihiwalay yung espirito ko sa katawang lupa at tipong naghu-hukom na bilang kamukha talaga niya si Mama Mary. Lalo pa nung sinabi nyang.. “It’s not like baby Jesus would come down from heaven, save your business from dying and then float back-up again..”
Pero nung huli, nakuha rin namin yung kiliti nya (Matapos maka-ilang salin ng dugo sa training).”I like your being Rude! I would unleash the beast in you!’ — Nung sinabi nya ‘to, unti-unting gumapang paitaas ang mga kuko naming dumadausdos na sa pagkapit sa kumpanya. Ang galing nyang mag-motivate ng tao. Hinde siguro mangyayari ang mga nangyari kung nandito pa siya.
Nung mga panahong kasing payat na naten yung ipinasa nateng X-ray sa tagal ng paga-antay ng delayed na suweldo,nasubok ang pananampalataya ng lahat.
Hinde maiiwasang may mga muntik nang magpa-lutang ng keyboard sa ere at mag-harbat ng bigas at asukal sa mini-pantry dahil mahigit isang buwan nang nakalipas eh maintaining balance pa rin ang laman ng BPI… Na hinde rin naman talaga kasalanan ng management.
Maraming beses nasubok ang pananalig naten sa buhay.Hinde ko alam kung yun din ang dahilan kung bakit may mga maiitim ang budhi na dumadalawang kuha ng free meal at nag-ne-nenok ng mga gamit sa lababo. At may mga nag-iiwan ng mga mahihiwagang hibla ng kulot na buhok sa sabon ng CR. Tipong halamang itinanim sa safe-guard. =))
Naresolbahan naman ang sigalot bago pa nag-taob ng mini-tables and mini-monitor ang mga tao sa TESDA Learning Center. =))
Masaya rin naman sa floor. Eto yung mga bagay na mami-miss ko:
1. Yung ang lively ng “Hi!” at “Good Morning!” mo, only to find out na pobreng Voicemail lang pala kausap mo.
2. Yung full conviction ka pa mag-iwan ng message sa Voicemail pero nasira ang poise mo nung mag-iiwan ka na ng number naten bilang nakalimutan mo siya bigla-bigla.
3. Yung nasa mood kang mag-iwan ng message pero ultimo Voicemail ha-hang upan ka at nagmama-asim na sasabihin sa’yong “Sorry! There’s no enough space left! Bye!”
4. Yung nagtatanong lang ng call back number si owner bilang naghahadali sya eh tinapon mo na agad sa closer.
5. Yung naisipan mong mag-palit ng relihiyon nung mga panahong tirik na ang araw eh wala ka pa ring score sa white board.
6. Yung iniisip mo nang magpa-tawas at baka nadu-dwende ka na sa tumal ng benta.
7. Yung kulang nalang eh mag-hain ka ng bigas at sisiw sa ibabaw ng station mo makahanap lang ng hustisya sa sunod-sunod mong missed flips.
8. Yung nag-tic-tac at nag-vertical ka na sa ibabaw ng station mo mapa-OO lang si owner, tapos pag-tawag mo sa closers biglang VM lahat. Parang gusto mo nang mag-basag ng bintana at sumigaw ng “Why Lordddd?! Whyyyy?!” nung makita mong nag-hung up na si owner. Namatay ka na lang bigla sa sama ng loob. =))
9. Yung kulang nalang eh ibigay sa’yo ni owner yung credit card niya at fb account sa pangbubudol-budol mo, tapos pag-pasa mo sa closer bigla kang icha-chat na..”Do not transfer the lead! Do not put it under my name! No one on the line!” Gusto mo nalang i-chat nang..”i-chika mo sa Frog! leche!”
10. Yung nag-lalas-las at nag-bubud-bod ka na ng kalamansi sa braso mo Huwag ka lang kunin ng liwanag at antok.
11. Yung ganadong-ganado kang mag-break tapos biglang may abogado nang dumating,
marami na kayo bigla sa floor, nababalot ng maiitim na ulap ang paligid,
“and as I walk to the valley of the shadow of death..”– naiimagine mong yan ang back-ground music,
tahimik ang lahat, bentilador lang ang maingay,
akala mo nagka-totoo na yung pag-re-Raid ni Mike Enriquez sa cyber den,
at nagku-kurdon na ng police line ang SOCO,
Nagi-slow motion sa isip mo ang buka ng bibig ni Attorney…”I’mmmm.. Sooorrryyy.. Buuuttt theee accooouunnttt gooottt puulleeddd ouuuttt…”,
parang pirated CD na kinakain ang boses at tumatalon-talon.
At the end, we got back at our feet. Natapos nang shooting ng SOCO. Nakakalungkot para sa iba na naka-tagpo na ng Comfort Zone at kaibigan sa kumpanya. Para sa mga kudaan ng break-time na sumalba saten sa pagkikim-kim ng mga kanya-kanyang hinagpis sa buhay. Pero ganun pa man, nangyari ‘to dahil may nakalaang mas maganda para sa’teng lahat. Manalig tayo! =))
Mamimiss kong kahabaan ng cabanas na nasaksihan naten sa lahat ng uri ng time-zone. Na sagana sa stray dogs and cats mula gabi hanggang hapon.
Mami-miss ko kayo. =)
No effort is wasted for something worth trying and worth being part of our short but splendid experience!
“I appreciate your time and thank you so much for taking my call today!” =)
-JMDC

No comments:

Post a Comment