Thursday, January 1, 2015

GRADE FOUR (Pariwara moments. kung may isang school year na pedeng sunugin sa kalendaryo dahil wala kang natutunan, eto yun.)

=0=Wala talaga kong matandaang makabuluhang bagay na nangyari nung grade four. Ang alam ko lang eto yung growth gap year ko. stagnant ang buhay nung grade four. Walang matinong teachers at walang matinong subjects. Yung room namin parang headquarters ng mga hapon nung World War II. Bukod sa lumang luma na eh napapaligiran ng kasukalan at patubig, katabi ng tambakan ng basura ng skul na smokey mountain pag umaga at playground ng mga batang malalakas ang immune system pag hapon. Minsan lang ako nag tangkang magbabad sa smokey mountain kasi hinde ka “in” pag di ka pa nakapag laro dun. hahatakin ka ng mga kaklase mong sabik sa amoeba at cholera. Dun nag tutumbling tumbling yung ibang grade four. parang isang sangay ng isla yung helera ng rooms namin dahil nakalutang sa patubig. yung kay mam tanjuangco yung pinaka dulo at yung sa kabilang dulo eh abandonandong room na balot sa agiw, tinambakan ng mga lumang silya, libro at kwadro, nakakandado, at tad-tad ng momo stories. sa dulo nun eh isang lihim na lagusan papunta sa likod ng grade six na minsan narin naming sinuong nila yambot. may isang makitid na patiyo lang na nag dudugtong sa isla ng rooms ng grade four patungo sa main road papuntang kabayanan. Isolated yung rooms namin. parang pag nag kasunog kami yung unang unang magiging casualties kasi kami yung pinaka malayo sa Gate ng skul na nasa pinaka bungad pa.

gr 4
=0=Mabait rin naman yung adviser namin, si Mrs. Santiago. Syempre kinumare rin sya ni nanay at na-immune sa pag-sugod nito tuwing may aberya. Parang nung may sumibol na bakat ng kuko sa pisngi ko bunga ng ka-abnormalan ni RA Yadao, sugod ang nanay. Eh tiyempong nandun si Mrs. San Pedro, ang sadistang teacher ng grade four. “ay, maluko nga yan ah, akin na’t ako nang papalo.” eka nya kay mam Santiago habang iwinawisawas yung pang-kamot ng likod (na hugis kamay) na ginagawa nyang latigo pag nag paparusa na ng mga walang muwang na bata. ipinabukas ang mga palad ni yadao at naging piping saksi kami kung pano lumatay dun ang pat-pat ni mrs. san pedro “pak!” .. “pak!!”. Ngiwi nalang sya sa sakit at derecho sa desk nya para mag mukmok. hinde ko sigurado kung may masamang karanasan si mrs. San pedro nung kabataan nya kaya ginagawa nyang insekto ang mga styudyante oh kung dahil rin ba dun kaya mukhang T-Rex yung kabilang braso nya, pero ilang beses narin akong naka-lasap ng magic pang-kamot nya. Yung kay mam Mercurio dati eh classic na pat-pat lang talaga, pero yung kay mam San Pedro kakaiba, kasi literal na pangkamot na hugis kamay na may tatak pa atang “made in Baguio”. Tahimik ang klase pag sya na ang next subject. Tipong bentilador lang ang maingay. Home Economics. Natuto kaming gumawa ng table matt, door matt, uminom ng pain-reliver, mag-dasal at ipanalanging mai-adya kami sa bangis ng kanyang pang-kamot. Hinde pa kasi uso “imbestigador” nun tsaka bantay bata 163 kaya siguro bigay todo ang mga teachers kung maniris ng bata, parang kuto lang.
=0=Laging weird ang simula ng klase pag pasukan na, kasi matapos mong i-recycle at tahiin ng yarn yung mga di-nasulatang pages ng notebooks mo nung grade three at mag sukat ng kaki at white t-shirts (na may tatak ng skul) kung kasya pa sa next school year, eh makikihalubilo ka na naman sa mga batang di mo pa naman alam ang kalikaw ng bituka. Di ko na matandaan kung panu kami naging magkatsokaran ni joseph J pero sya ata yung una kong nakatabi sa seat plan. tapos biglang sumulpot nalang sa eksena si Rodie Ian Pineda. Masaya naman silang kausap. Nasa harapan namin sila Aprilyn R at ang ekshibisyonistang si Christine Claire (sana di nila nababasa ‘to). at nasa likod sila Annie grace e,,  Leona m. the beast fighter at sila Joan Rna suki rin ng pambubuwiset namin nila joseph.
=0=Kumpara naman kay kewell, mas may bahid ng G.M.R.C. si Rodie kaya naging magkabatak kami. Mag-kasabay sa recess, mag-kasamang binu-bully nila Ligo Sardines at nakikipag babag kina Arnel turnilyo at Jose Ramil P the taekwando kid,  at mag kasamang umuwi kasi magkapit-bahay lang rin. Minsan nagkakaratig, pero madalas nag lalakad kasi malapit lang rin naman saka masarap magkwentuhan pauwi. sumusuot sa kapitolyo at inaakyat yung tuktok pag natripan at nakalusot sa gwardya, dumadaan sa b.s.u. at umiinom sa drinking fountain ng skul. kasu bunga ng pambubuyo nila Edward nog-nog at Yadao abnoy eh nag-kapikunan kami sa biro at ngumawa ang Rodie. Away bata. hahaha. Pero nagkabati rin kami, matapos ang 1 1/2 years. grade five na ulet kami nag-usap.
32071_122309861140189_116154911755684_108394_5250868_n=0= Bago kami nag-hiwalay ng landas, sumugod muna sila samin. Sabado nun, di pa uso ang Cell Phone kaya tantyahan nalang sa oras kung kelan magkikita kita. ang usapan kasi maglalakwatsa kami pag walang pasok. Pag gising ko asa sala na sila ni joseph unyango at parang gusto pang magtanung kung anung meryenda ang pede kong ihain. Syempre anu pa bang gagawin ng mga bata, alangan namang mag usap kami tungkol sa pulitika oh kung masaya bang gamitan ng statistical analysis ang thesis pag college na,  syempre grade four kami, kaya pinanindigan na naming maging paslit, hinukay ko sa baol at inilabas yung mga laruan at teks na nasa kahon pa ng hopya. Uso pa nun yung Ghost Fighter na teks, walang kamatayang dragon ball z, sailor moon, yung nanay ng mga teks na tipong strips ng pelikula pa ang laman. isinaboy namin sa sementong sahig yung mga teks kasama na ng mga kotse-kotsehan, tau-tauhan na karaniwang ginagawang target range sa perya, baril-barilan at mga jolens. syempre nalaos yun nung inilabas na ni joseph ang baon nyang action figure, si Hulk Hogan na movable ang mga joints, tipong pede mong bali-baliin yung mga kamay at paa para ibahin ang pwesto, na ipinamana na nya sakin bago umuwi at ipinamana ko naman sa mga pinsan ko na kumulimbat nun nung napad-pad sila samin kasama nila tita Mone. Sinayang namin mga buhay namin ng araw na yun.32071_122309847806857_116154911755684_108393_194740_n
Nagta-tumbling tumbling sa lapag, Nagtatago sa likod ng pinto at nag babarilan. yung baril ko pa naman nun yung tipong may sound effects pa ng machine gun para mas ramdam mo yung acting ng pagkisay na tipong natamaan talaga ng bala. Masaya na sana kasu pinauwi na sila ni nanay. maiingay raw kasi. hahaha.
=0=At dahil nga nagkarun ng cold war samin ni rodie dahil napikon sya sa pag tawag sa kanyang “bibe” na timeless na tukso sa kanya nila yambot nung grade two sila, eh kami nalang ni joseph ang madalas mag kaulayaw at gumagawa ng kung anu-anong kabobohan sa mundo. kalahati siguro ng populasyon ng brain cells ko ang nagretiro nung grade four. Di uso ang review. Di ka “in” pag nag aral ka. Bug-bugan at bangayan sa kapit-bahay na desk ang trend nung grade four. Wala kaming inatupag ni joseph kundi punuin yung notebooks nya ng mga drowings. Manghang -mangha siya sa drowing ko. kung pede lang ipa-laminate, hihingin nya yun at ipapa-kwadro. Ayus namang kasama si joseph kasu minsan nakakahawa yung ka-engotan nya. Nung dinapuan sya ng beke at umabsent ng ilang linggo, nasagip rin sa tuluyang pagka-ubos ang brain cells ko. Naging kabatak ko si Ligo Sardines. Isa pang pariwara tong bata na to. Magkasamang nag-rerecess at kumakain ng P3 na goto sa canteen tabi ng room nila sir Santiago. Hinde ko na masyadong maalala pero wala masyadong makabuluhang naganap sa taon na’to. pwera lang dun sa aksidente kay tatay na kinailangan pa naming iwanan yung bahay at makitira kina tita ditse sa Lolomboy.
=0=tuwing pasko umuuwi kami nila tatay kila lola Barang sa valenzuela. Nung bata pa ko naalala ko yung lumang bahay nila lola sa polo na may silong pa at tatad ng malalaking plaka ng classic 60’s at 80’s hits. na nirarasyunan pa ng tangke ng tubig kasi di pa ata uso sa kanila ang NAWASA nun. Sampung magkakapatid sila tatay (pwera pa yung mga kapatid on the side). Nahiya pang hustuhing basket ball team ni lolo yung pamilya nila. Masaya sana kila lola nun, lalo na nung kumpleto pa sila tatay na magkakapatid. Ang i-ingay at kwela sila tito Jun, samahan pa nila tita bebe. Nuclear family.
Uso din ang pagrereport ng mga latest updates at showbiz happenings sa pamilya. kung anu na bang nangyari kina j.r., oh kung nag asawa na ba sila kuya reynold, oh kung anu na namang kabal-balan ang ginawa ni tito efren. Masaya sila dati. lalo na nung nandun pa sila sa lumang bahay. kasu nung nalipat na sila, kasabay ng pag-aasawa ni ate Mhae, dun na ata nag simulang matuliro ang storya ng buhay nila. isa-isa naring namaalam ang miyembro ng pamilya. Nauna si lola Barang, tapos sinundan ni ditche, ilang taon lang sumunod naman si tito efren, tapos si tita luding, tapos si tatay. Ang tulin ng panahon. parang kahapon lang nanood pa kami ng vhs kina ate mhae sa pasolo, tapos ngayon ala-ala nalang.  Ngayon bihira na lumuwas dun. pero siguro sa ibang photo album ko nalang itutuloy to kasi parang biglang gumulo yung storya ng grade four ko kasi usapan elementary photo album to eh biglang napunta kina lola barang. hahaha.
-JMDC =)

No comments:

Post a Comment