Thursday, January 1, 2015

Lost in Translation Part III (Adios sa buwis buhay na “Thank you for Calling..”)

All I wanted to do before was to grab that Pinoy dream of landing a Job and wearing one of those magnetic ID’s that left you breathless by automatically opening up the glass door of your big time office like magic.

upuanI was a clueless promdi who was thrilled with talking elevators and guards who speak English better than your prof. in college.
(Muntik na’ko sumuka ng dugo nung sinabi ni Guard na “Sir, Please be aware that this is an English Only Zone..” Tinatanung ko lang naman kung san yung CR. =))
I did not realize that the 4th of July would redefine the past five years of my life (emo ko leche! beer pa! hahaha).
It’s been a splendid experience spending the last half decade of my life working with you.
Especial ang mga tao na nakasalamuha ko dito gaya ng pagiging especial ko at ng especial ensaymada ng Malolos. =))
BYE (B-e with, Y-ou, E-verytime) for now.cct
————->> Eto ang maka-bagbag dam-damin kong good bye letter nung mga panahong bumukas na yung rehas ng bilangguan namin, at naghu-humiyaw na ng “freedooomm” yung diwa ko, habang binibigay yung “resignation letter” at sinasambit yung “resignation request” na minemorize ko pa sa harap ng salamin kagabi.
Sa wakas makaka-laya na ko sa buhay Call Center (Gusto ko sanang paniwalain yung sarili ko na natupad ko ‘to. hahaha)
Kung hinde mo pa nasubukang mag-trabaho sa industriyang ito, hayaan mong pasilipin kita sa kung anu-anong anik-anik ang pinagagagawa ng isang inbound agent sa isang BPO Company. Gan’to kasi yun….
“I’m sorry?” —– Mahinahon, bed-room voice at may lambing sa dulo.
Eto ang mga unang katagang nasambit ko sa telepono nung nagsisimula palang ako sa industriyang eto.
Matagal-tagal na rin yun. Mga tipong black&white pa yung mga palabas sa t.v. hahaha.
Sa trabahong ito, puno ka dapat ng emosyon!
Memorized mo ang mga shining-shimmering-splendid na empathy at assurance statements at alam mo kung kelan sila akmang gamitin.
naisi-sigaw mo sya subconciously kahit nagulat ka lang dahil nalag-lag yung ballpen mo. =))avaya
Alam mo lahat ng uri ng synonyms ng “I’m sorry”.
Sasambitin mo ‘to ng bukal sa kalooban kahit alam mong wala ka naman ni ga-buning kinalaman sa pag-taas ng bills nila,
oh pag-nguya ng P.G. nilang tuta sa kable ng modem,
oh ng password nila sa email na minu-minuto nilang nakaka-limutan (tipong kaka-reset niyo palang i-rereset mo na ulet after 10secs dahil gold fish memory si lolo).
Minsan gusto mo nalang sabihing..”Pati ba naman global warming sa’min mo isisisi sir?! Kami ba si Lord?!”
At dahil ayaw mong magdildil ng asin ang pamilya mo kapag nag-goodbye ka sa trabaho pag narinig yan ng Quality,
malam-lam mo paring sasabihing.. “Oh, I’m sure our outside lines are well secured, but severe weather conditions inevitably affect our services like any other service-providers sir, I do appologize.”
Sabay mute. Tapos… uhmmm.. mag… pe-pray syempre! hahaha.
Pray mo kay Lord na mabudburan yung kausap mo ng konting brain cells ng magka-unawaan naman kayo.
———————————————————————————–
Hinde lang isang beses nangyari ang eksenang ito:
Cust: (Halimaw mode) “That’s why we don’t have jobs here at the U.S., because you dumb heads are robbing us of that!”
Rep: (mute) “Eh pota pati ba pagiging estambay mo ibubunton mo sa’kin, kasalanan ko ba kung mas marami kaming brain-cells kesa sa’yo? anu namang kinalaman ko sa mga kasawian mo sa buhay at kelangang sa’kin mo i-buhos poot mo sa mundo? ako ba si Lord, ha?!”
(un-mute) “I see the light on your point sir, and I share the emotions, although much as I would love to indulge myself with matters business-wise, my expertise only covers to satisfy the best of our internet and tv services. I have great hopes that everything still fall into their right places in terms of you finding the right work opportunities sir.”
(mute, sabay muk-mok sa katabi) “Nyetang to tumawag lang para isisi sa’kin yung karalitaan nya sa buhay, sinisi ko ba sya nung nabaha kami, hinde naman di ba?” =))
————————————————————————————
Minsan mas mahal pa yung tuition mo kesa sa sweldo mo pagka-graduate. Investment daw ang edukasyon, pero sa bansa naten… marami ang nalulugi! Yung tipong di mo na ma-pronounce yung course mo sa sobrang teknikal at tipong wala sa webster at akala mong yayaman ka na agad pagka-graduate mo, pero huli na nang mapag-tanto mo na nasa Pinas ka nga pala at walang pera sa bayolohiya.
Under-employed ba tawag ‘pag mismatched yung course mo sa trabaho mo?.. hinde rin.. tawag dun..DISKARTE. Hinde porke’t nasa call center wala nang narating sa buhay, kelangan ba adik-adik na agad pag nandun, di ba pedeng nag-hahanap muna ng mas magandang oportunidad?
————————————————————————————
cvgSinubok tayo ng trabahong ito.
Dito na’ko nag-celebrate ng maka-ilang bithdays, Christmas, New year, Valentines at dito narin ako nag-puberty. =))
Higit sa lugar, trabaho, mga imported na kausap sa telepono.. mas hahanap-hanapin mo yung mga taong naging parte ng pagpu-puyat mo gabi-gabi.
Pero kahit ganu man pinag-buhol ang kalikaw ng bituka nyo…
wala paring tatalo sa luwalhati ng pagreretiro.
Tayo parin magkikita-kita sa finals! Yeah!
(lakas maka-PBA. hahaha) ——-> (dedicated para sa mga nakalimutang bayani na ginagawang araw ang gabi at kung minsan eh tampulan ng stereotyping ng mga taong-tabon na mababa ang pagtingin sa mga taong nagsa-sakripisyo sa Call Center. =)
-JMDC

No comments:

Post a Comment